Simula pa lang ng bagong semester ngayong academic year ay marami na sa mga Skyline students ang nakaranas ng burnout.
Kahit pa nga hindi naman maituturing na actual na mental health condition ang burnout, maaari itong magdulot ng mga seryosong mental health concerns.
Ayon sa pag-aaral ni Jamielene Ella Balancio, ang kakulangan sa comprehension o kaalaman sa burnout ay nakakaapekto sa maraming mga Asian American. Sa katotohanan, sa Pilipinas, karamihan sa pananaw about mental health ay galing sa mga family-oriented traditions at relihiyosong paniniwala ng mga Filipino, kasama na iyong mga nag-migrate sa Estados Unidos.
Dahil dito, marami ang naapektuhan ng tinatawag na “culture of silence” kung saan itinatago na lamang ang mga problema upang maisalba ang reputasyon ng bawat isa at mapanatili ang harmony sa mga komunidad. Taboo pa rin ang usaping ito sa mga Filipino communities at lalo na sa loob ng tahanan, kahit pa nga may mga taong nagta-try na pag-usapan ito.
Sa kabila ng lahat ng ito, nakahanap ng paraan ang mga Filipino-American students sa Skyline kung paano nila maaagapan at masosolusyunan ang burnout.
Ayon kay Jerrick Molejona na isang mag-aaral sa history, pinagsasabay-sabay niya ang mga klase, trabaho, at personal na buhay gaya ng ibang mga students kaya naman na-overwhelm siya noong nakaraang taon sa fall semester.
“I’ll say [I experienced burnout] last semester of fall 2024 when I have three classes in the range of 11 hours like two lecture classes and a dance class,” sabi ni Molejona.
Na-trigger umano siya ng patung-patong na academic demands at extracurricular activities kaya naman sinubukan niya itong labanan sa pamamagitan ng pakikinig sa music at pagbe-breathing exercise.
Iyon nga lang, hindi lamang pisikal na pagod ang dala ng burnout kung hindi pati na rin emotional exhaustion.
Ayon kay Kim Eunice Isorena, isang psychology student na nagsa-struggle sa burnout, “Symptoms-wise, since it’s linked to anxiety, I feel tension on different parts of my body like my stomach or even clenching my jaw for some time that it ends up hurting.”
Ginagamit niya ang kanyang mga activity books at coloring books as a way to prevent burnout. Madalas rin siyang nagna-nap para mapahinga ang kanyang utak.
Para sa ilang mag-aaral, tinatamaan sila ng burnout depende sa time of the year.
Sabi ni Karmela Luisa Sanchez Madarang, burnout typically surfacessa mga winter months na nagdudulot sa kanya ng sense of lethargy. Ayon sa kanya, nati-trigger nito ang kanyang “Don’t want to get up” mood, a sentiment many can relate to during darker, colder months.
“I try very hard to moderate myself and my time. If I’m starting to zone out, that’s when I excuse myself, walk around for a bit, or drink some water. I need time before being ready to tackle problems again,” pagpapaliwanag ni Madarang.
Ayon naman kay Jamie Laygo na isang hospitality student, karaniwan siyang naaapektuhan ng burnout kapag nasa kalagitnaan na ng semester.
“I try to talk to friends and make a little schedule for myself. If that doesn’t work, I try to exercise or at least go on a walk/run to clear my mind,” sabi ni Laygo.
Kahit pa nga nakakaranas sila ng burnout, ang mga Filipino-American students ay patuloy na humahanap ng paraan para masolusyunan ito.
Sabi nga ni Perry Chen, isang Skyline counselor at Active Minds adviser, “In order to find balance, one of the most important things is you have to stop and just check in with yourself. That is the first step.”
“When we talk about self-care, it is very personalized and we have to figure out what works best,” pagbibigay-diin ni Chen.
Mas magiging magaan ang lahat kasama na ang pressure na hatid ng school, work, at buhay kung pagtutuunan ng pansin ng bawat isa ang pagiging mas mindful at paghahanap ng paraan upang maiwasan ang burnout.